ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
Pagtaas ng presyo ng gulay, sisiyasatin sa 'Investigative Documentaries'
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

INVESTIGATIVE DOCUMENTARIES
31 October 2013 Episode
Ano ang paborito mong gulay? Alam mo ba kung saan ito galing? Bakit ba laging nagbabago ang presyo nito?
Halos bawat bata, pinalaki sa pagkain ng gulay at prutas. Pero ayon sa World Health Organization o WHO mababa pa rin ang konsumo ng bawat Pilipino ng gulay. Kada taon kasi, dapat ay 146 kilos daw ng gulay ang kainin ng bawat tao pero 40 kilos lang ang average consumption natin.
Sa episode na ito ng ID, sundan natin ang proseso na dinaraanan ng gulay mula taniman hanggang pamilihan. Kilalanin natin ang mga taong sa industriya ng gulay umaasa ng ikabubuhay. Ang mga magsasaka, namamaktura o middlemen, biyahero at may puwesto sa palengke.
Paano kumikita ang bawat isa sa kanila? Paanong nananatili pa rin sila sa mahirap na negosyong ito lalo na ngayong bumaba ang produksyon ng gulay, ayon sa Department of Agriculture?
Manood ng Investigative Documentaries kasama ang Metrobank Journalist of the Year na si Malou Mangahas ngayong Huwebes, ika-8 ng gabi sa GMA News TV Channel 11.
Tags: plug
More Videos
Most Popular