ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

INFOGRAPHIC: Online romance scam


Dahil sa computer at Internet, mabilis na ang komunikasyon. Mabilis ang pagsasaliksik. Mabilis ang mga transaksyon. Pero bumilis na rin ang panloloko.

Sa “Modus” episode ng “Investigative Documentaries,” inalam ng programa ang tinatawag na online romance scam na nakabiktima kay Edmond Meralles, isang OFW sa Dubai. Sa isang online chat, nakilala ni Edmond ang isang babaeng nagngangalang Ching na ‘di umano’y nakatira sa United Kingdom. Naging magkasintahan ang dalawa. Inalok ni Ching si Edmond ng UK Visa pero tinangay lamang niya ang pera nito.

Sa tulong ng infographic na ito, alamin kung paano ipinatatakbo ang online romance scam. Huwag magpaloko, ka-ID!