ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Ang kalagayan ng mga lumang simbahan, siniyasat ng 'Investigative Documentaries'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Maraming Pilipino ang nalungkot nang masira ng lindol nitong Oktubre ang mga simbahan sa Bohol at Cebu. Apat na siglo na rin kasi ang mga ito at bahagi na ng ating kasaysayan.
 
Tatlumpu't pitong simbahan sa buong bansa ang tinaguriang national cultural treasure ng
National Commission for Culture and the Arts o NCCA, samantalang 249 naman ang idineklarang historical church ng National Historical Commission of the Philippines o NHCP.
 
Dahil dito, hindi dapat baguhin at dapat tiyaking tatagal pa ang mga simbahang ito.
 
Ang Basilica de San Martin de Tours sa Taal, Batangas ay itinayo noong 1865. Ito ang pinakamalaking simbahang Katoliko sa Asya. Orihinal pa rin ang pader nito na gawa sa adobe. May mga nagproprotesta laban sa pamunuan ng simbahan dahil umano sa hindi maayos na preserbasyon nito. May adoration chapel at jubilee hall din na di raw dapat itinayo dahil walang permiso ng NCCA at NHCP. Nangunguna sa pagtuligsa sa pagbabago sa basilica ang iskultor na si Ramon Orlina.  
 
Ilan pang simbahan ang nagkakaroon ng pagbabago na hindi sinasang-ayunan ng mga komunidad sa paligid nito. Isa kaya rito ang pinupuntahan mo kapag Linggo?
 
Ngayong Huwebes, alamin ang mga pagbabagong ginagawa sa mga simbahang Katoliko. Abangan ang buong kwento sa Investigative Documentaries, kasama ang Metrobank Journalist of the Year na si Malou Mangahas sa GMA News TV Channel 11.
Tags: plug