Filtered By: Newstv
NewsTV

Mga pambansang sagisag, muling pag-aralan sa 'Investigative Documentaries'


INVESTIGATIVE DOCUMENTARIES: SAGISAG
Airing date: January 30, 2014




Paslit pa lang ay itinuturo na sa atin sa eskuwelahan ang mga pambansang sagisag. Sa dinami-dami ng mga isinaulo ng mga estudyante, hindi pala lahat ng mga ito ay tama. Ayon sa National Historial Commission of the Philippines o NHCP, 10 lang ang opisyal na pambansang sagisag dahil may batas na sumasaklaw sa mga ito. Maging ang mga guro, nalilito na kung alin sa mga nakasulat sa textbooks ang tama.

Halimbawa, wala palang pambansang bayani. Hindi rin ang mangga ang pambansang prutas. Hindi ang lechon ang pambansang pagkain. Hindi angkalesa ang pambansang sasakyan, at hindi rin ang kalabaw ang pambansang hayop.

Nakalilito rin ang pabagu-bagong turo tungkol sa pambansang ibon. Maya ang alam na sagot ng ilan, agila naman ang sa iba. Sipa ang kilalang pambansang laro noon pero arnis na pala ito ngayon. Pagdating sa pambansang sayaw, may nagsasabing tinikling, carinosa naman ang alam ng iba.

Ihanda ang lapis at papel dahil may nakatutuwang quiz para sa mga magulang at bata sa Investigative Documentaries ngayong Huwebes, ika-8 ng gabi kasama ang 2013 Metrobank Journalist of the Year na si Malou Mangahas sa GMA News TV Channel 11.