ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Isyu ng climate change, sisiyasatin sa 'Investigative Documentaries'


INVESTIGATIVE DOCUMENTARIES: CLIMATE CHANGE
Airing date: Feb. 6, 2014




Kapapasok lang ng bagong taon, binisita agad ng Bagyo ang ilang bahagi ng Mindanao. Enero nang manalasa ang bagyong Agaton sa Surigao. Ayon sa PAGASA, minsan lang sa loob ng tatlong taon kung tamaan ng bagyo ang Surigao noon pero mula 2001, taun taon na kung daanan ng bagyo ang probinsiya.

Signal number one lang ang bagyong Agaton pero maraming ulan ang dala nito. Kaya naman kahit ilang linggo nang wala ang bagyo pero ang maraming lugar ay lubog pa rin sa baha. Apektado ang kabuhayan ng mga tao. Bihira itong maranasan ng mga residente noon. 

Sa pag-aaral ng Worldbank, nahaharap ang planeta sa mas matitinding bagyo dahil sa climate change. Nasa peligro ang mga lugar sa tabi ng dagat. Ang Maynila, pangalawa sa buong mundo sa mga siyudad na pinakadelikado sa banta ng climate change. Halos labindalawang milyon ang tao sa Metro Manila na pwedeng malagay sa panganib anumang oras. 

Handa ba tayo kung sakaling dumating ang hindi inaasahan? Alamin ang sagot sa Investigative Documentaries ngayong Huwebes, ika-8 ng gabi kasama ang 2013 Metrobank Journalist of the Year na si Malou Mangahas sa GMA News TV Channel 11.
Tags: plug