ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
Ang mga sumbong ng mga manonood, sisiyasatin ng 'Investigative Documentaries'
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
INVESTIGATIVE DOCUMENTARIES
MARCH 13, 2014

Sa Huwebes na ito, ang mga manonood ng Investigative Documentaries ang tampok sa programa. Ang kanilang mga ipinararating na problema ang bibigyan ng espasyo sa himpapawid.
Nariyan ang mga nagrereklamo sa kalbaryong dinaranas sa pagsakay ng LRT at MRT araw-araw. Ang mga tren na ito ay gamit ng mahigit isang milyong katao araw-araw.

Ang MRT, 24 na tren lang ang gumagana kaya nagsisiksikan ang mga pasahero. Ang LRT naman, may 30 tren pero ang ilan sa mga ito ay sira na. Idagdag pa ang mga depektibong pasilidad tulad ng elevator at escalator.
Ang Maynila, may libreng wifi raw sa mga piling waiting shed sa siyudad. Proyekto raw ito nina Mayor Joseph Estrada at Vice Mayor Isko Moreno.

Sabi ng munisipyo, walang gastos ang siyudad dito dahil libre itong ibinibigay ng BC Net. Pero walang kahit na anong dokumentong maipakita ang magkabilang panig na nagpapaliwanag kung paano ipatutupad ang proyekto.
Ang reklamo ng mga nakasubok na ng libreng wifi sa España, mabagal ito. Wala ring pulis na nagbabantay kaya takaw nakaw ang paggamit ng wifi sa waiting sheds.

Ang kuwento ng mga nagpapadala ng mensahe sa inbox ng Investigative Documentaries ang tampok sa programa. Alamin ang kanilang mga kuwento ngayong Huwebes, ika-8 ng gabi kasama ang 2013 Metrobank Journalist of the Year na si Malou Mangahas sa GMA News TV Channel 11.

Tags: plug, investigativedocumentaries
More Videos
Most Popular