'Daang Pinoy' sa 'Investigative Documentaries'

Nag-ulat sa bayan si Pangulong Benigno Aquino III sa kanyang State of the Nation Address nitong Lunes.
Iniulat ng pangulo ang pagbuti ng kondisyon sa iba’t ibang sektor at mga programang naipatupad ng kanyang administrasyon.
Sa kabila ng pag-unlad, marami pa rin ang napag-iiwanan. May mga magsasaka na hanggang ngayon ay walang sariling lupa. Halos 800,000 ektarya ng lupang sakahan na sakop ng repormang agraryo ang kailangan pang ipamigay ng gobyerno.
Problema rin ang patuloy na pagtaas ng presyo ng bigas kahit pa ibinida ni Pangulong Aquino na magiging sapat na ang supply nito.
Kahit umabot halos P33 bilyon ang inilaan sa sektor ng kalusugan mula 2010 hanggang 2013, may mga lugar pa rin na walang pagamutan at bihirang mabisita ng doktor.
Ano ang dapat pang matutukan ng pamahalaang Aquino sa susunod na dalawang taon?
Manood ng Investigative Documentaries ngayong Huwebes, ika-8 ng gabi kasama ang 2013 Metrobank Journalist of the Year na si Malou Mangahas sa GMA News TV Channel 11.