ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

'Night Shift' sa 'Investigative Documentaries'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
INVESTIGATIVE DOCUMENTARIES
11 SEPTEMBER 2014
NIGHT SHIFT 
Habang tulog ang karamihan sa atin, marami ang gising at nagsusumikap kumita.
 
May mga tauhan ang Metropolitan Manila Development Authority o MMDA na sinasamantala ang maluwag na daan kapag gabi para maglinis.
 
Sa kabila ng mas manipis na bilang ng sasakyan sa kalye, delikado pa rin ang kanilang trabaho. Mas mabibilis kasi ang mga sasakyan kapag madaling araw. May ilan sa kanilang habang nakatungtong sa hagdan at naglilinis ay nahahagip ng sasakyan.
 
Diretsong bente kuwatro oras ang duty ng mga bombero. Sa kabila raw ng peligro ng kanilang trabaho, wala silang insurance. May hazard pay na ibinibigay ang gobyerno pero ito ay P12 kada araw.  Mula 2010 hanggang 2013, may mahigit 300 bumbero ang namatay sa trabaho. 
Ngayong taon, aabot na sila sa mahigit 300,000 ang call center agents natin. Malaki ang kita kaya marami ang naeengganyo na magtrabaho rito. Labing apat na libong piso ang pinakamababang sahod ng isang call center agent. May night differential, health benefits, transportation allowance at incentives sila. Pero ayon sa pag-aaral, masama ang epekto ng pagpupuyat sa kalusugan.
Kilalanin ang mga manggagawa sa gabi at alamin ang mga hinaharap nilang panganib sa tuwing papasok sa trabaho. Manood ng Investigative Documentaries ngayong Huwebes, ika-8 ng gabi kasama ang 2013 Metrobank Journalist of the Year na si Malou Mangahas sa GMA News TV Channel 11.