ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

'Kasaysayan' sa 'Investigative Documentaries'


INVESTIGATIVE DOCUMENTARIES
09 October 2014 Episode  
KASAYSAYAN
Hitik sa kasaysayan ang Metro Manila at hindi na kailangang lumayo para pasyalan ang mga lugar na malaki ang papel sa kuwento ng ating bansa. Ang problema, marami sa mga ito ay unti-unti nang binubura sa mapa o di kaya ay napabayaan na.
 
Sa isang tulay sa San Juan nagsimula ang labanang Pilipino laban Amerikano. Pero kung iyong papasyalan, puno ng basura ang paligid nito.
Kahit sa probinsiya ay nanganganib ang mga lumang istruktura. Sa Sariaya, Quezon, nilalaparan ng Department of Public Works and Highways ng tulay at kalsada. Tatamaan ng proyekto ang Alcaneses ancestral house. Itinayo ito noon pang 1933. Pang-apat na henerasyon na ng kanilang angkan ang nakatira dito ngayon. Tinamaan na rin ang 100 taong sementeryo at ang ganito rin katandang puno ng kalachuchi ng bayan.
Alamin ang iba pang makasaysayang istruktura sa bansa na nanganganib maglaho. Manood ng Investigative Documentaries ngayong Huwebes, ika-8 ng gabi kasama ang 2013 Metrobank Journalist of the Year na si Malou Mangahas sa GMA News TV Channel 11.