ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
Ligtas ba ang karneng baboy na iyong binibili?
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Sa mga importanteng okasyon, hindi nawawala ang lechon at iba pang putaheng mula sa karneng baboy. Hindi bababa sa 10 kilo ng baboy ang average consumption ng bawat Pilipino kada taon, ayon sa Bureau of Agricultural Statistics.
Sa Lingayen Public Market sa Pangasinan, mabenta ang frozen meat na mas mura daw. Nilalangaw tuloy at nalulugi ang pwesto ng mga nagbebenta ng bagong katay na baboy. 

Nagmanman ang ID para malaman ang kalakaran sa nasabing palengke. Ang mga frozen meat ay itinitinda sa apat na puwesto na parang fresh meat. Natutunaw ang yelo habang nakalatag ito. Hindi ito dapat nangyayari ayon sa patakaran ng National Meat Inspection Service (NMIS). Dapat daw ay palaging nasa freezer ang frozen meat at kapag inilabas na, hindi na puwedeng ibalik ulit sa freezer. Peligroso sa kalusugan ang ganitong sistema.
Ayon sa SINAG o Samahang Industriya ng Agrikultura, siyam na bayan sa Pangasinan ang nasa watchlist dahil sa frozen meat. Noong 2012, may resolusyon na ang League of Municipalities of the Philippines Pangasinan na nagbabawal sa pagbebenta ng frozen meat pero hindi pa rin ito nasusunod.
Ngayong Huwebes, alamin kung ligtas ba ang binibili at kinakain nating karne ng baboy. Manood ng Investigative Documentaries, 8:00 ng gabi kasama ang 2013 Metrobank Journalist of the Year na si Malou Mangahas sa GMA News TV Channel 11.

More Videos
Most Popular