ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
Kaligtasan ng street food, susuriin sa 'Investigative Documentaries'
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Investigative Documentaries
Street Food
June 11, 2015

Patok sa maraming Pilipino ang street food dahil bukod sa masarap na ay magaan pa ito sa bulsa. Kaya naman paborito itong pantawid gutom.
Street Food
June 11, 2015

Patok sa maraming Pilipino ang street food dahil bukod sa masarap na ay magaan pa ito sa bulsa. Kaya naman paborito itong pantawid gutom.
Sa katunayan, kasama tayo sa dalawa’t kalahating bilyong tao sa buong mundo ang kumakain ng street food, ayon sa Food and Agriculture Organization of the United Nations. At ang Maynila ang isa sa sampung lungsod sa buong Asya na may pinakaraming streetfood noong 2013.

Ang problema, hindi sa lahat ng pagkakataon ay malinis ito at ligtas kainin. Sa surveillance na aming ginawa, makikita ang hindi kaaya-aya ayang kondisyon ng mga ibinebentang pagkain. Marumi rin ang paligid.
Ayon sa mga eksperto, posible itong makontamina at maging sanhi ng pagkakasakit ng sinumang kakain nito. Ipinaalam namin ang problema sa lokal na pamahalaan ng Maynila. Ano kaya ang kanilang magiging aksyon?

Alamin kung ligtas ba ang street food na iyong kinakain. Abangan ang Investigative Documentaries ngayong Huwebes, alas otso ng gabi kasama ang 2013 Metrobank Journalist of the Year na si Malou Mangahas sa GMA News TV Channel 11!
More Videos
Most Popular