ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Ipagdiwang ang kadakilaan ni tatay, ngayong Huwebes sa 'Investigative Documentaries'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Investigative Documentaries
Mag-isa si Itay
June 18, 2015


 
Dalawang taon nang nakatira sa kalsada ang 72 taong gulang na si Tatay Boy. Nagtitinda siya dito ng tabo at palanggana. Hirap na siya  paglalakad pero hindi niya ito iniinda kumita lang kahit barya barya.
 
Hindi kapiling ni Tatay Boy ang kanyang pamilya pero sila pa rin ang dahilan kung bakit siya nagbabanat ng buto.  Nag aabot pa rin kasi siya ng pera sa anak at dating asawa.


 
Mahigit dalawang taon na ring nanlilimos habang tumutugtog ng lyre si Tatay Cipriano sa kalsada ng Mendiola. Dati siyang security guard. Minsan na rin siyang naging sorbetero hanggang sa mapadpad siya sa lansangan.
May kaniya kaniyang pamilya na ang mga anak ni tatay Cipriano. Hiwalay na rin siya sa asawa at tatlong dekada nang walang komunikasyon. Sa isang eskinita siya nagpapalipas ng gabi. Sa kabila ng kaniyang pag-iisa sa dapithapon ng kaniyang buhay, hindi raw niya inisip na pinabayaan siya ng mga mahal sa buhay.
 
Kilalanin ang mga haligi ng tahanan na wala namang matuluyan. Abangan ang Father’s Day Special ng Investigative Documentaries  ngayong Huwebes , alas otso ng gabi kasama ang 2013 Metrobank Journalist of the Year na si Malou Mangahas sa GMA News TV Channel 11!