ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Iba't ibang uri ng scam, ibubunyag sa 'Investigative Documentaries'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Scam
August 13, 2015



Ang ‘til death do us part na pangako sana nina Rodel at Feath Joy, nauwi sa runaway bride! At ang mga perang ipinadala ni Rodel kay Faith Joy na para sana sa kanilang kasal, kasamang tinakbo ng bride!  Ang ganitong modus ay tinatawag na Love scam.  Hindi lang ang puso ni Rodel ang broke, kundi maging ang kaniyang bulsa.

Usung uso nga raw ang mga manloloko sa panahon ngayon. Naglipana ang iba’t ibang modus o scam at marami na ang nabibiktima.



Hightech na rin kasi ang panloloko. Sa Pilipinas halos 38 milyon ang gumagamit ng internet. Siyam sa bawat sampu ang biktima ng cybercrime. Ang gimik ng mga manggagantso, mag-aalok ng mga murang gadget para madaling maengganyo ang mga customer. Pero pagkatapos magpadala ng biktima ng pera. Wala namang darating na produkto.

Nariyan din ang mga investment scam na marami pa rin ang nabibiktima. Dahil sa pangakong malaking interes sa perang ilalagak sa kompanya. Ang mga biktima mabilis na nakukumbinsing mag-invest ng kanilang pinag-ipunang salapi.



Alamin ang iba’t ibang klase ng scam na pwedeng mambiktima sa iyo at suriin kung paano ito ginagawan ng solusyon n gating pamahalaan.

Manood ng Investigative Documentari es  ngayong Huwebes , alas otso ng gabi kasama ang 2013 Metrobank Journalist of the Year na si Malou Mangahas sa GMA News TV Channel 11!