ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Mga successful Pinoy sa Indonesia, kilalanin sa 'Investigative Documentaries'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
#IDIndonesia Part 2
October 22, 2015 
 

 
May halos sampung libong Pilipino ang nasa Indonesia. Lahat ay propesyunal. Sa isang pambihirang pagkakataon, makikilala natin ang ilan sa mga kababayan natin sa Jakarta, Indonesia.
 
 

 
Ang longest running noon time show na Eat Bulaga, mapapanood din sa Indonesia. At ang isa sa mga dating host nito na si Leo Consul, isang Pilipino. Halos dalawang taon na naging bahagi ng Eat Bulaga sa Indonesia si Leo. Sa ngayon ay abala siya bilang host sa ilang mga programa sa iba’t ibang network doon.
 
Tubong Bolinao sa Pangasinan si Leo at lumaki siya sa hirap. Hindi raw naging madali ang pakikipagsapalaran niya sa ibang bansa bago niya narating ang estado niya ngayon.
 


 
Sikat ang barong sa Pilipinas pero unti unti na rin itong nakikilala sa Indonesia.  Sa katunayan, maraming sikat na pesonalidad na ang nagsuot ng kanilang gawa. Isa na rito ang US President na si Barack Obama nung bumisita siya sa Indonesia.
 


 
Sina Freddy Mercado at Thelma Victorio ang may-ari ng Barong Batik Indonesia, tindahan ng mga tatak Pinoy na kasuotan.  Libangan lang daw nila ang pagsusuot at paggawa ng barong batik hanggang sa tuluyan na itong naging negosyo noong 2010.
 
 

 
Pilipino rin ang may hawak ng pinakamataas na posisyon bilang General Manager ng Millenium  Hotel sa Jakarta. Siya si Manny Mercado. Nang makapagtapos ng kursong Tourism sa University of Sto. Tomas o UST, pumasok si Manny bilang room boy sa isang hotel sa Makati. Dahil sa kanyang pagsisikap ay unti unting tumaas ang kanyang posisyon hanggang sa ipadala sa ibang bansa.
 
 

 
Abangan ang ikalawang bahagi ng aming pagbisita sa Indonesia. At alamin ang kwento ng ilan sa mga kababayan natin na nagsumikap at nagtagumpay rito. Tumutok sa Investigative  Documentaries  ngayong Huwebes, alas otso ng gabi kasama ang 2013 Metrobank Journalist of the Year na si Malou Mangahas sa GMA News TV Channel 11! 
Tags: plug