Mga kakandidatong pangulo sa #Eleksyon2016, kilalanin sa 'Investigative Documentaries'
Sino ang susunod na Pangulo?
November 12, 2015
Hindi basta basta ang trabaho ng pangulo. Pero alam niyo ba na simple lang ang mga kawalipikasyon kung nais mong maluklok sa pinakamataas na posisyon sa bansa? Ayon sa saligang batas, mayroong limang pamantayan para maging kwalipikado sa pagkapangulo ang isang kandidato.

Dapat na siya ay natural born citizen o likas na ipinanganak na pilipino; rehistradong botante; marunong magbasa at magsulat; apatnapung taong gulang pataas sa araw ng eleksyon at sampung taon nang naninirahan sa Pilipinas bago ang eleksyon.

Anim na buwan mula ngayon, mamimili tayo kung sino ba ang karapat dapat nating iboto sa Eleksyon 2016. Bago magdesisyon, suriin munang mabuti ang mga kandidato.
Tapos na ang deadline ng Commision on Elections (COMELEC) sa pagsusumite ng certificate of candidacy (COC). Umabot sa 130 ang mga nais kumandidato sa pagka pangulo. Pero ayon sa COMELEC, lima lang ang tiyak na pasok sa listahan.

Ang apat sa kanila ay sina Vice President Jejomar Binay, Senator Grace Poe-Llamanzares, DILG Secretary Mar Roxas at Senator Miriam Defensor-Santiago.

Alamin kung sapat ba ang kanilang kaalaman at karanasan para maluklok sa pinakamataas na posisyon sa gobyerno. Sino sa palagay mo sa kanila ang karapat dapat na maging susunod na pangulo?
Tumutok sa Investigative Documentaries ngayong Huwebes, alas otso ng gabi kasama ang 2013 Metrobank Journalist of the Year na si Malou Mangahas sa GMA News TV Channel 11!