ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Kilalanin ang mga botanteng Pilipino sa 'Investigative Documentaries'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Botante
Investigative Documentaries
MAY 5, 2016 Episode

Mahigit 54 milyon ang rehistradong botante ngayong eleksyon 2016.  Sa pinakahuling tala ng Philippine Statistics Authority, 40 percent sa ating mga botante ay walang trabaho.

Aabot sa 20 milyon ang nasa edad 18 hanggang 35. Sila ang mga tinatawag na millennials. Sila iyong laging nakatambay ika nga, sa social media. Ito rin ang isa sa mga instrumentong gamit nila ngayong eleksyon.

Mayroon nang 44 milyong Pinoy na may access sa internet  o halos kalahati ng populasyon ng Pilipinas. At tayo rin daw ang pinakamatagal mag-online sa mundo.

Isa lang ang Facebook sa mga paboritong social networking site nating mga Pilipino. Noong 2010, 18 million ang nasa Facebook. Ngayon, 49 million na.

Social media na rin ang pinagkukunan ng balita ng marami. Dito, may pumupuri sa kandidatong gusto, mayroon din namang naninira, at may napipikon. May nagtatalo, at mayroon na ring nasira ang pagkakaibigan.

Gaano man kainit ang debate online o sa kanto, alam mo bang noong 2010 presidential elections, 35% o mahigit 12 million ang hindi bumoto? Ganito rin kaya ang magiging takbo ng halalan?

Huwag kaligtaang manood ng  Investigative Documentaries ngayong Huwebes, alas otso ng gabi kasama ang 2013 Metrobank Journalist of the Year na si Malou Mangahas sa GMA News TV Channel 11!

Tags: plug