ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Mga batang nagsasagwan papasok ng eskuwela, tampok sa 'Investigative Documentaries'


Bugsay
30 June 2016 Episode

Kung hindi mabilis at malakas ang braso ng mga bata sa Sitio Liaonan, Barangay Caub, Del Carmen, Siargao, hindi sila makakapag-aral. Kailangan nila ito sa pagbugsay (pagsagwan) araw-araw para makarating sa paaralan.

Ganito ang ginagawa nina Jyan at apat niyang kapatid. Bente pesos ang renta nila sa bangka ng kapitbahay. May butas ang bangka kaya kailangan ay mabilis nilang malimas ang tubig sa loob nito habang nasa dagat. Halos isang oras silang magsasagwan bago makarating sa eskwelahan.

May 26 na estudyante mula sa Sitio Liaonan. Ang iba sa kanila na may pambayad ay sumasakay sa pampasaherong bangka na mas malaki ang katig.

Grade two na si Jyan at sa kanilang apat na magkakapatid na nag-aaral, siya lang ang may uniporme. Pinaglumaan ito ng kanilang kapitbahay. Kanin at asin ang madalas nilang pagkain bago pumasok. Ito rin ang baon nila.

Makisagwan tayo papasok sa paaralan ng ilang mga bata sa Siargao.

Manood ng Investigative Documentaries ngayong Huwebes, alas otso ng gabi kasama ang 2013 Metrobank Journalist of the Year na si Malou Mangahas sa GMA News TV Channel 11.

Tags: plug