ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Mga iba't ibang uri ng scam, tatalakayin sa Investigative Documentaries


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

INSTANT YAMAN
20 October 2016 Episode      

Ang puhunan ay P400 pero ang kita ay $1,000 o halos P50,000 kada buwan.

Ito  ang alok ng isang pastor sa kanyang mga kasamahan sa Baybay City sa Leyte. Marami ang naengganyo at nagbigay ng pera para makasali sa biyaya na ibibigay raw ng C3 AM 01 Foundation.

Mula raw sa yaman ng mga Marcos ang pera ng C3 AM 01 Foundation. Kukunin daw ang benepisyo mula sa World Bank kung saan nakadeposito raw ang mga gintong pag-aari ng yumaong pangulo. Pero ang World Bank ay nakikipag-transaksyon lamang sa mga bansa, hindi sa mga indibidwal.

Isa sa mga nakumbinsi si Nenita, na gumagawa ng banig. Mahigit P100 ang benta niya sa bawat banig. Sumali siya sa “foundation” para daw may dagdag na pera para sa apat na apo.

Pitong buwan nang naghihintay ng benepisyo si Nenita pero kahit singko ay wala pa siyang natatanggap. Ganito rin ang sitwasyon ng iba pang residente ng Baybay City na sumali sa “foundation.”

Abangan kuwento ng mga umasa ng mas malaking kita sa mabilis na panahon ngayong Huwebes sa Investigative Documentaries, alas otso ng gabi kasama ang 2013 Metrobank Journalist of the Year na si Malou Mangahas sa GMA News TV Channel 11.

Tags: plug