ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Isyu ng pekeng trabaho at titulo ng lupa, sisiyasatin ng Investigative Docu


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Scam

10 November 2016 Episode

Trabaho ba ang hanap mo?

Para sa mahigit 2.6 milyong Pilipino na walang trabaho ayon sa Philippine Statistics Authority, araw-araw ang paghahanap ng disenteng hanapbuhay. Ang problema, salat na nga sa pera ay sinasamantala pa.

Isang recruitment agency ang inerereklamo ngayon ng ilang aplikante. Dahil ang pangakong trabaho ay hindi naman pala totoo. Sa halip na kumita, ang mga aplikante pa ang nabawasan ng pera pambayad ng application form na P350, miscellaneous fees at identification card na P400. Wala namang resibo ang mga ito.

Sa huli, wala pa ring trabaho ang mga aplikante.

Sa General Santos City, may halos 6,000 pekeng titulo ang natuklasan ng Coalition for Reform Against Fake Titles. May mga taong nakasingil daw ng pera para sa right of way gamit ang mga pekeng titulo.

Maliliit at malalaking scam. Tampok ang mga iyan sa Investigative Documentaries ngayong Huwebes, alas otso ng gabi kasama ang 2013 Metrobank Journalist of the Year na si Malou Mangahas sa GMA News TV Channel 11.

Tags: plug