ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
Investigative Documentaries

Mga estudyanteng sumasakay ng tram papasok ng eskuwelahan, kikilalanin


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

TRAM
6 JULY 2017 Episode   

Ang gandang tingnan ng mga hagdan-hagdang palayan. Pero kung araw-araw ay kailangan mo itong bagtasin papasok sa eskuwela, hahanap ka ng mas mabilis na paraan.

Tram ang solusyon ng mga mag-aaral ng Hungduan National High School sa Ifugao. Sa halip na pang-gulay at bigas lang, ginagamit nila ang tram para makarating sa paaralan.

Halos kalahating oras ang natitipid nila sa biyahe kapag sumakay dito.

Hindi ito ginawa para sakyan ng tao. Proyekto kasi ito ng Department of Agriculture (DAR)  noong 2010 para sa mas mabilis na pagbibiyahe ng mga ani at gamit sa sakahan ng halos 200 magsasaka sa barangay Bokiawan, Nunggulanan at Hapao-Baang  Itinayo ito sa halagang P5 milyong piso.

Limang piso ang bayad ng mga estudyante. Pagkatapos sumakay, isang oras na lakaran pa ang kailangan bago makarating sa eskwelahan.

Alamin ang kwento ng mga estudyante na nakikipagsapalaran sa pagsakay ng tram.

Manood ng Investigative Documentaries ngayong Huwebes , alas otso ng gabi kasama ang 2013 Metrobank Journalist of the Year na si Malou Mangahas sa GMA News TV Channel 11.

Tags: plug