ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Mga biyahe ni Pangulong Duterte sa kanyang unang taon, susuriin sa Investigative Documentaries


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

BIYAHE NG PANGULO
20 July 2017 Episode

Sa unang taon ng kanyang panunungkulan, 18 bansa ang binisita ni Pangulong Rodrigo Duterte. Sa mga bansang ito, may ilan na binalikan pa niya tulad ng Cambodia, China, at Thailand.

17 sa 21 na biyahe ng pangulo ay ginastusan ng P386.2 million pesos. Ang gastos sa huling apat na bansang binisita niya ay hindi pa kompletong naiuulat.

Bahagi sa gawain ng isang pangulo ay ang pagtungo sa ibang bansa. Sa papamagitan nito ay naipakikilala niya ang Pilipinas at ang sarili bilang lider. Mahalaga ito sa kalakalan at politika.

Sulit ba ang ginagastos ng pamahalaan sa mga biyaheng ito? Alamin ang sagot ngayong Huwebes, alas otso ng gabi.Manood ng Investigative Documentaries kasama ang 2013 Metrobank Journalist of the Year na si Malou Mangahas sa GMA News TV Channel 11.

Tags: plug