Mga epekto ng PUV Modernization, tatalakayin sa Investigative Documentaries
PARA!
09 November 2017 Episode

Ang jeep ang hari ng kalsada pero nalalapit na raw matapos ang pamamayagpag nito. Plano na kasi ng gobyerno na palitan ng mga bagong modelo ang nakasanayang sasakyan ng mga Pilipino.

May halos 200,000 na rehistradong pampasaherong jeep na bumibiyahe sa mga lansangan ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Pagpasok ng 2018, sisimulan na ang paggamit ng mga bagong jeep. Bahagi ito ng Public Utility Vehicle Modernization Program ng pamahalaan.
Hindi sumasang-ayon ang ilang grupo ng mga jeepney driver at operator sa planong ito.

Alamin kung ano ang benepisyo at kalbaryo sa pagbabagong ito ng ating pangunahing sasakyan sa lansangan.
Huwag kaligtaang manood ng Investigative Documentaries ngayong Huwebes, alas otso ng gabi kasama ang 2013 Metrobank Journalist of the Year na si Malou Mangahas sa GMA News TV Channel 11.