ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Mga Pinoy sa New Zealand, kukumustahin sa Investigative Documentaries


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

MGA PINOY SA NEW ZEALAND
21 December 2017 Episode

Sa bansang ito ay mas marami pa ang tupa kaysa sa tao.

Noong dekada 90, nagbukas ng pinto ang New Zealand para sa mga Pilipino na gustong manirahan at magtrabaho rito.

Mahigit 40,000 ang mga Pilipino sa New Zealand at karamihan sa kanila ay mga professionals, mga technicians at community service workers.

Marami ang nagkakaroon ng interes na magtungo sa bansang ito dahil mas malaki ang pwedeng kitain. Sa ngayon ay 15 New Zealand dollars ang minimum wage dito kada oras.  Mahigit sa P30 ang isang NZ dollar kaya halos P4,000 ang maaring suwelduhin sa loob ng walong oras na trabaho.

Marami ring benepisyo ang gobyerno sa mga residente katulad ng libreng pagpapagamot sa ospital, Mas marami ang benepisyo kung ikaw ay magiging Kiwi o lehitimong mamamayan ng New Zealand.

Kilalanin natin ang ilan sa mga kababayan natin na mas pinili na dito na maghanapbuhay at tumira kasama ang pamilya.

Abangan ang unang bahagi ng aming episode sa New Zealand. Huwag kaligtaang manood ng Investigative Documentaries ngayong Huwebes, alas otso ng gabi kasama ang 2013 Metrobank Journalist of the Year na si Malou Mangahas sa GMA News TV Channel 11.

Tags: plug