ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Kultura at tradisyon ng New Zealand, tunghayan sa Investigative Documentaries


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

TURISMO SA NEW ZEALAND
18 January 2018 Episode

Kahit kaunti ang populasyon ng bansang ito na halos 5 milyon lang ay dagsa naman ang mga gustong mamasyal sa New Zealand.

Halos 4 na milyong turista ang bumisita sa New Zealand noong 2017, lampas sa 20,000 rito ay mga Pilipino.

Ang bansang ito ang naging lokasyon ng mga pelikulang The Lord of the Rings at The Hobbit.

Ang mga lugar na kinunan sa pelikula ay tourist attraction na ngayon. Tulad ng The Hobitton na binuksan sa publiko noong 2002. Umaabot ng hanggang 2,000 ang bisita rito kada araw.

Sikat na destinasyon rin ang Whakarewarewa village sa Roturua. Tahanan ito ng mga Maori o mga katutubo ng New Zealand. May halos 600,000 Maori sa bansa.

Dito ay pinapanatili nilang buhay ang tradisyon ng kanilang tribo sa pamamagitan ng pagsasayaw at pag-awit. Itinatanghal nila ito sa mga turista.

Alamin ang kasaysyan ng bansang New Zealand at mamangha sa mga lugar na paboritong bisitahin ng mga turista.

Huwag kaligtaang manood ng Investigative Documentaries ngayong Huwebes, alas otso ng gabi kasama ang 2013 Metrobank Journalist of the Year na si Malou Mangahas sa GMA News TV Channel 11.

Tags: plug