Mga problema sa passport application, tatalakayin ng Investigative Documentaries
PASAPORTE
1 February 2018 Episode

Masusubok ang iyong pasensiya sa pagkuha ng pasaporte. Palagi kasing ubos agad ang appointment slot sa website ng Department of Foreign Affairs (DFA).
Mahigit 15,000 ang dumadagsa sa mga tanggapan ng DFA para kumuha ng passport kada araw pero hanggang 9,000 lang ang kayang serbisyuhan ng ahensiya.

Sa ngayon, puno na ang aplikante sa Pebrero hanggang Hunyo.
Pero bali-balita, may mabibiling appointment slot mula sa mga taong maagang nakapag-reserve nito.
Nakausap ng aming team ang isang nagbebenta ng appointment. Nasa P500 hanggang P5,000 ang sinisingil nila sa mga nais magkaroon ng apointment slot. Totoo kaya ito o panloloko lang sa mga gipit na?

Alamin kung bakit manipis ang espasyo para sa passport applications at kung ano ang ginagawang solusyon ng pamahalaan sa problema.
Huwag kaligtaang manood ng Investigative Documentaries ngayong Huwebes, alas otso ng gabi kasama ang 2013 Metrobank Journalist of the Year na si Malou Mangahas sa GMA News TV Channel 11.