Kalagayan ng mga baybayin sa Cavite, susuriin ng Investigative Documentaries
COLIFORM
03 May 2018 Episode
Uso ang outing. Alam mo ba kung ligtas ang tubig na nilalanguyan mo?

Ayon kasi sa pag-aaral ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) noong 2016, sampu sa mga baybayin na sakop ng Cavite ay marumi. Kabilang dito ang ilang beach resorts na dinadagsa ng mga bisita sa panahon ng tag-init.

Kontaminado ang dagat ng fecal coliform o dumi mula sa tao o hayop. Ibig sabihin, hindi ligtas ang tubig para languyan.
Nitong Abril, binisita namin ang mga lugar na kasali sa listahan ng DENR. Kumuha kami ng water sample at ipinasuri itong muli. Alamin kung ano ang resulta ngayong Huwebes.

Manood ng Investigative Documentaries, alas otso ng gabi kasama ang 2013 Metrobank Journalist of the Year na si Malou Mangahas sa GMA News TV Channel 11.