ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Parusa sa mga nakaharang sa kalsada, alamin sa Investigative Documentaries


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

HARANG
10 May 2018 Episode

Hindi bababa sa isang metro ang dapat na lapad ng isang sidewalk, ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH). Hindi ito nasusunod sa maraming lugar.

Sa aming pag-iikot sa Maynila, Makati, at Quezon City, mapapansin na hindi madali ang maging pedestrian sa lungsod kung hindi may harang, nawawala ang dadaanan.

Parking lot ang turing ng ilan sa bangketa. May naglalagay ng halaman. Ang iba naman na may tindahan sinasakop pati ang sidewalk. May kapilya rin ng Nazareno na nasa daan.

Sa ilang lugar sa Quezon City, may bike lane daw pero kung hindi mali ang puwesto ay nawawala naman ang espasyo.

Sumama ang aming programa sa clearing operation ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at inalis ang lahat ng mga nakambalang. Binalikan namin ito makalipas ang apat na araw. May magbabago kaya?

Manood ng Investigative Documentaries, alas otso ng gabi kasama ang 2013 Metrobank Journalist of the Year na si Malou Mangahas sa GMA News TV Channel 11.