ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Mga pasaway sa Barangay at SK Elections, bibistuhin ng Investigative Documentaries


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

BSKE2018
17 May 2018 Episode

Marami ang naging pasaway sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections nitong Lunes.

Bago ang araw ng botohan, sumama ang aming team sa mga kawani ng Commission on Elections (COMELEC). Umikot sila sa mga piling lugar sa Metro Manila para sawayin ang mga lumalabag sa mga patakaran sa kampanya gaya ng tamang pagkakabit ng poster.

Bawal kasi ang magkabit ng campaign materials kung saan saan. Simpleng alituntunin na binabalewala ng mga kandidato. Napuno ang truck ng COMELEC ng mga binaklas na poster. May nakasabit sa poste, puno at mga pampublikong lugar na hindi naman dapat na kabitan ng mga poster. May mga lumabag din sa tamang sukat at laki nito.

Ang sinumang mapatutunayang lumabag ay maaaring madiskwalipika. Ang problema, kahit sandamakmak ang pasaway, wala pang napaparusahan na kandidato ayon mismo sa tala ng COMELEC.

Mahigit 42,000 ang barangay sa Pilipinas. Ngayong tapos na ang eleksyon, nagsimula na kaya silang maglinis ng paligid kung saan nila ikinalat ang kanilang posters at pamphlets?

Manood ng Investigative Documentaries ngayong Huwebes, alas otso ng gabi kasama ang 2013 Metrobank Journalist of the Year na si Malou Mangahas sa GMA News TV Channel 11.