Mga Pilipinong may sakit sa bato, tampok sa Investigative Documentaries
DIALYSIS
07 June 2018 Episode
Ang walong taong gulang na bata ay may stage 5 Chronic Kidney Disease (CKD). Ito ang unti-unting pagkasira ng bato.

Tatlong taon nang sumasailalim sa continuous ambulatory peritoneal dialysis si Kurt. Dahil hindi na gumagana ang kanyang bato. Hindi na siya umiihi. Umaabot sa mahigit P15,000 kada buwan ang gastos sa gamot.

Ayon sa National Kidney and Transpalant Institute (NKTI) isang Pilipino ang nagkakaroon ng kidney disease kada oras.
Sa datos ng NKTI, mula sa halos 5,000 pasyenteng nagpapa-dialysis sa mga ospital noong 2011, tumaas ito sa mahigit 32,000 noong 2015. Dumarami raw ang mga batang may sakit sa bato.

Tunghayan ang kwento ni Kurt at ng iba pang nakikipaglaban sa sakit sa bato at alamin kung ano ang tulong na naibibigay ng gobyerno sa mga pasyente na may ganitong sakit.
Manood ng Investigative Documentaries ngayong Huwebes, alas otso ng gabi kasama ang 2013 Metrobank Journalist of the Year na si Malou Mangahas sa GMA News TV Channel 11.