ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Ilan sa mga isyung tinutukan ng Investigative Documentaries, muling babalikan


UPDATED
6 September 2018 Episode

Labingsiyam na puno ng kapok ang pinutol ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa barangay Timugan, Los Banos, Laguna noong 2014. Kailangan daw kasing laparan ang daan. Nagbigay raw ng permiso ang barangay captain at kasali pa siya sa pagputol ng puno.

Dahil sa mga reklamo, ipinatigil ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang pagputol ng puno. Ang problema, iisang puno na lang ng kapok ang natitira nang ilabas ang utos.

Ang Meycauayan ay isang first class at highly urbanized city sa Bulacan.

Binubuo ito ng 26 na barangay. Walang pampublikong ospital sa lungsod.

Noong 2013 ay Itinayo ang Meycauayan General Hospital. Mahigit sa 200,000 ang populasyon ng Meycauayan na puwede sanang makinabang sa proyekto. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nagagamit.

Nitong Hunyo tampok sa ID ang walong taong gulang na si Kurt, may stage 5 Chronic Kidney Disease (CKD) na unti-unting sumisira sa bato.

Tatlong taon nang sumasailalim sa continuous ambulatory peritoneal dialysis si Kurt dahil hindi na gumagana ang kanyang bato. Ang nanay niyang si Kristina ang nagsisilbi niyang nurse.

Ang naging resulta ng ilan sa mga isyu na aming tinutukan, ating balikan sa Investigative Documentaries ngayong Huwebes, alas otso ng gabi kasama ang 2013 Metrobank Journalist of the Year na si Malou Mangahas sa GMA News TV Channel 11.