Bakit 'more pun in the Philippines?' Alamin sa May Tamang Balita!
Ngayong Huwebes, makikipagkulitan sa ating tropa si Drew Arellano, kasama pa rin siyempre sina Sheena Halili, Maey B, at Boobay! Kaya ang aming naiibang pagbabalita, mas dapat na abangan! Matagal nang nagbabangayan sina Atty. Medyas Markiss at Atty. Edwin Lamierda bilang mga tagapagsalita ng kani-kanilang mga bossing. Pero nang magsimula na ang impeachment hearing sa tsenado ni Chip Justiis Caronia, tila nag-level up na ang kanilang tarayan. Sa unang pagkakataon, one-on-one natin silang makakausap --- live na live na live! Sa iba pang balitang may tama, dahil mainit pa ring pinag-uusapan ang impeachment trial, magtatagisan sa pickup-an ang mga astig na mga patolera at patolero upang pasabugin ang kanilang mga punto tungkol sa usaping ito. Ito ang “May Tamang Balita Pickup Battle: Impeachment Trial Edition!” Samantala, makikisawsaw ngayong Huwebes ang Pinoy Boy na si Mikey Bustos upang patunayang "It's more pun in the Philippines". Siyempre hindi pa rin mawawala ang pang-ookray ni Boobay sa mga Twitter posts ng mga sikat na pulitiko kasama ng mga balitang gawa-gawa at puno ng kagimbal-gimbal na patama! Tigilan na ang drama, dapat laging masaya! Kaya tutok na sa May Tamang Balita ngayong Huwebes ng gabi, 10PM pagkatapos ng State of the Nation with Jessica Soho.