Pasabog na linya ni Kikiam Defrensya Sentido sa 'May Tamang Balita'
DATING PANGGULONG GLORIA MACAPAL AYOYO, PICKUP LINES: IMPEACHMENT SERYE AT MGA PASABOG NA LINYA NI KIKIAM DEFRENSYA SENTIDO May Tamang Balita Airing date: February 2, 2012 Sinabi ng Commission on Selections na bilang na ang maliligayang araw ni dating panggulo Gloria Macapal-Ayoyo sa ilalim ng hospital rest dahil ililipat na siya ng pahingahan. Good news or bad news ba ito sa kanya? Ano nga kaya ang reaksyon ni Ate Glow? Eksklusibo dito sa May Tamang Balita. Sa ibang balitang may tama, mula sa Palasyo Productions … sa pakikipagsabwatan ng Partido Literal at mga Tongressman na kaalyado ni Penoy, inihahatid sa inyo ang drama…ang pamumulitika…ang pagpapa-pogi sa media…ang natatangi at numero unong telepantasya-dramaserye-