ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Hiwalayang Hidden Co Jr. at Biki Bellow sa 'May Tamang Balita'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Miriam Sentido, mainit na naman ang ulo sa impeachment-serye, pagwawakas ng relasyong Hidden Co Jr. at Beki Bellow, at pagpapatigil ng isang grupo sa EDSA Revolution anniversary ngayong Huwebes!  
May Tamang Balita Airing date: February 23 , 2012 
 
Sa lalong umiinit na impeachment trial ni Chip Justiis Renato Caronia,  tutok ang taumbayan sa pagpapakitang-gilas  ng  mga  Tsenador judges! Isa na rito si Tsenador Judge Miriam Sentido na madalas uminit ang ulo lalo na sa prosecutyon team! Pero bakit nga ba parang laging highblood si Tsenador Miriam? Is it her time of the month? Nalaman ng May Tamang Balita ang dahilan sa  isang eklusibong video.   
 
Sa ibang balitang may tama, habang naghahanda ang administrasyon ni Panggulong Penoy Anino sa paggunita ng ika-dalawampu’t anim na anibersaryo ng Edsa revolution, meron namang ilan  na  nananawagang itigil ang okasyong ito. Ano kaya ang kanilang dahilan sa pagpapatigil nito? Samantala, matapos ang anim  na taong bolahan, gastusan, kinuwestyong pagmamahalan at  iskandalo, nagwakas na raw ang relasyong  Hidden Co Jr. at Beki Bellow.  Ang Pa-star na balita hatid sa inyo ng nag-iisang si Maey B!
Siyempre hindi pa rin mawawala ang mas lalong umiinit na mga pangyayari sa impeachment serye na The Impeachables at ang  pang-ookray ni Boobay sa mga Twitter post ng mga sikat na pulitiko kasama ng mga balitang gawa-gawa at puno ng kagimbal-gimbal na patama! 
 
Tigilan na ang  drama, dapat masaya! Kaya  nood  na sa May Tamang Balita ngayong Huwebes ng gabi, 10PM pagkatapos ng State of the Nation with Jessica Soho. 
 
Tags: plug