ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

May Tamang Balita: May Maligno? May Batuta?


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Oras na para sa mga nakayayanig na may tamang balita! “Maitim na maliit na maligno!”…Ano ito? este sino ito?! Sa isang radio program, sinabi raw ng radio and TV broadcaster na si Korina Sanchez na may “maitim na maliit na maligno” na nag-a-abang na makuha ang  posisyon sa DILG! Ang umano pinatatamaan ng beteranong journalist, talaga namang nasapul kaya naman todo-react at pormal pang nag-re-reklamo! Kaya naman Korina, binay-binay lang este hinay-hinay lang sa pasaring! Samantala, para raw hindi na ma-bully ang mga mga tauhan ng MMDA o Metropolitan Manila Development Authority, pinag-aaralan na ang pagbibigay sa kanila ng armas gaya ng batuta!  Subalit ano kaya ang mga katangian ng tunay na maaasahang batuta?  ‘Yan ang special report ni Boobai! Isa pang mainit na balita --- nahuli na ng mga otoridad ang isa pa sa mga suspect sa Maguindanao massacre, na si Anwar Sajid Ampatuan alyas Datu Ulo. Mabigat ang mga haharapin nitong kaso, subalit ang Fashion Police, agad nang idineklara ang sentensya sa kanya at sa kanyang porma, abangan! Mainit na chikahan naman ang hatid ng segment na Pa-Star! Dahil makaka-one on-one ni Mae B ang pinakabagong hunky star ng Kapuso network na si Rafael Rosel. At para sa espesyal na huwebes na ito, dalawang celebrity ang sasama sa tropa upang maghatid na balitang may patama. ‘Yan ay sina Mikey Bustos at Aubrey Miles! Lahat ng ito sa May Tamang Balita ngayong Huwebes, 10PM sa GMA News TV Channel 11.