ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
Ano bang meron sa 'May Tamang Balita' ngayong Huwebes?
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MAY TAMANG BALITA Ano Bang Meron? Airing Date: September 13, 2012 Ano bang meron kay DILG Undersecretary for Peace and Order Rico Puno at sa kabila raw ng mga intrigang bumabalot sa kanya noon at ngayon ay “labs na labs” pa rin daw ito ni Pangulong Aquino? Subalit ang mas malaking tanong, bakit bigla siyangnagbitiw sa pwesto ilang araw bago simulan ang imbestigasyon sa kanya sa Senado?! Ano bang meron sa tinatawag na Stem cell therapy at maraming pulitiko at celebrity ang tila naglulustay ng kayaman nila para sa nauusong medical treatment na ito? Kung may mga naniniwalang nakagagaling ng sakit at nakakapagpabata ng pakiramdam ang Stem cell therapy, bakit may mga kontrabida rito gaya na lang ng laging nag-su-sungit na si Fadir Clahey ng BCBC? At ano bang meron sa “Cosmo Bachelor Bash” at tila big deal talaga sa mga kalalakihan ang mapasama rito? Kailangan bang sila maging macho at matalino… gaya na lang ng model-actor na si Mikael Daez? Ang promising Kapuso star, makaka-chikahan natin sa Pa-Star kasama si Maey B. Samantala, idaan na lang natin sa sayawan ang iba pang napapanahong isyu sa ating bayan! Weather You like it or Not, hahataw na sa MTB si Rochelle Pangilinan! Oras na para sa mga balitang gawa-gawa at patawang may patama! Abangan ang May Tamang Balita ngayong Huwebes, 10PM sa GMA News TV Channel 11.
More Videos
Most Popular