Filtered By: Newstv
NewsTV

Karambola, Kontrobersya at Kwarta sa 'May Tamang Balita' 


KARAMBOLA, KONTROBERSYA, KWARTA! Airing Date: October 4, 2012 Ito na ang mga kwentong ‘kakaloka! Oras na para sa mga May Tamang Balita! Karambola! Hindi na raw kataka-takang nagmistulang circus ang filing of certificates of candidacy para sa eleksyon 2013 dahil tradisyon na raw ng mga pulitiko ang magkaron ng kanya-kaniyang gimmick pagdating sa COMELEC.  Kasama ang kanilang supporters, nagkalat ang banners, tarpaulins, at streamers!    Ang ibang wannabe, may bitbit pang banda at street dancers! Ano ‘to, piyesta?! Kontrobersya! Laman ng balita ngayon ang kontrobersyal na artikulo ng National Geographic magazine tungkol sa illegal ivory trade o ilegal na pagbebenta ng African elephant tusks. At dawit sa isyung ito ang isang pari na Pinoy, si Monsignor Cristobal Garcia na ayon sa artikulo, ay nagbigay pa ng tips kung paano mag-smuggle ng ivory!   Ano kaya ang say ni Fadir Clahey tungkol dito? Abangan!   At sa ngalan naman ng kwarta, libu-libong kalalakihan ang nagpapapansin sa isang lesbian mula sa Hong Kong.   Paano ba naman, makatatanggap daw ng 65 million dollars mula sa kanyang bilyunaryong ama ang sinumang lalaking makapagpapa-ibig at makapagpapakasal sa kanya.  Ayon sa aming ‘di mapagkakatiwalaag source, ang in-charge sa paghahanap ng candidates mula dito sa ‘Pinas ay walang iba kundi ang talent manager na si Madam Belle Dama!   Kumusta kaya ang auditions?!     Syempre ‘di mawawala ang pag-o-okray ni Boobay sa mga nag-inarte sa twitterlandia. At sa special edition ng “AngTwit Twit Mo”, makakasama ni Boobay sa pagbibigay ng comento ang special guest host ng MTB na si Ethel Booba.      Ramon Bautista, Maey B. , Boobay and Boobay!?! --- Tiyak na riot ito! Kaya tutok na sa May Tamang Balita ngayong Huwebes, 10:30 PM sa GMA News TV Channel 11.
Tags: plug, epal