ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Mainit na talakayan ukol sa Mayan Calendar sa 'May Tamang Balita' 


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
May Tamang Balita Airing Date: December 20, 2012 Sa December 21, 2012 magugunaw na raw ang mundo?   Ano ba kase ang “Mayan Calendar” na ‘yan at tila nagigimbal ang maraming tao! Aba’y ang pagsikat daw ng sayaw na “Gangnam Style” ay senyales din na end of the world na, ayon naman daw sa hula ng psychic na si Nostradamus. Buti pa, talakayin na lang natin ang nakakalokang usaping ‘yan sa walang prenong diskusyon sa “Balitaktan” kasama si Fadir Clahey ng Busy Catholic Bishops of the Philippines o BCBC at ang espesyal na bisita nating “alien.”   Naniniwala man kayo sa doomsday o hindi, ito ang tiyak na aagaw sa atensyon niyo --- mga hirit ni Boobay sa mga personalidad na paandar kung mag-tweet sa “Ang Twit-Twti Mo!”   Samantala, isa tunay na “sweet” ang makikilatis natin sa Pa-Star.  Gaano nga ba ka-sosi ang bida ng pelikulang “Sossy Problems” na si Heart Evangelista?  Alamin natin ang opinyon ng actress/TV host tungkol sa balitang doomsday, Sin tax, RH Bill at sa syempre, tungkol sa paparating na pasko.      Tutok na sa kalahating oras ng siksik na balitang nakakatawa at gawa-gawa, na hatid nina Ramon Bautista, Maey Bautista at Boobay kasama pa rin si Jinri Park at ang Tanya Markova!   Lahat ng ito sa May Tamang Balita ngayong Huwebes, 10:00-10:30pm, sa GMA News TV.