ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Biyaheng Pinoy rap sa 'Motorcycle Diaries'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MOTORCYCLE DIARIES BIYAHENG PINOY RAP Airing date: February 3, 2012   Break it down! Sa bilis ng mga letra, nakaiindayog na tunog at pagkantang tila patula, nahuli ng rap ang pandinig at panlasa sa musika ng mga Pinoy.   Sa kaliwa’t kanang music awards na natanggap hanggang sa mga pumatok niyang mga kanta,  isa na nga si Gloc 9 sa mga maituturing na pinakasikat at pinakamatagumpay na rap artist sa bansa ngayon. Ang bilis sa pananalita at talas ng kanyang mga kanta ang nag-angat sa kanya sa mundo ng Pinoy Rap.   Mula sa mga tema ng pag-ibig hanggang pulitika, ang kanya nga raw rap songs ay ritmong sumasalamin sa saloobin ng lipunan.   Sa Pilipinas  raw unang umusbong ang hip-hop sa Asya. Dahil sa impluwensyang Amerikano, nakipagsabayan ang rap sa himig ng musikang Pilipino. Ibang bansa man ang pinag-ugatan pero dahil sa sarili nating istilo at tunog, nagkaroon ng sariling pagkakakilanlan ang Pinoy Rap.   Ngayong Biyernes, maki-angkas at maki-jamming kasama si Gloc 9 at iba pang mga Pinoy rap artists at tahakin ang Biyaheng Rap sa Motorcycle Diaries, 8pm sa GMA News TV.
Tags: plug