ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Motorcycle Diaries' Expedition Series: Samar Part 4


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Sa Borongan City na kabisera ng Eastern Samar, titikman ng grupo ang ipinagmamalaki nilang kakanin na kung tawagin ay salakura at suman sa talicupo.  Bibisitahin din natin ang bagsakan ng mga naglalakihang isda kung saan pinagkaguluhan kailan lang ang nahuling higanteng lapu-lapu na singlaki ng tao.  Makakakain rin tayo ng malinamnam na kinilaw na mula pa sa sariwang yellowfin tuna na karaniwang makikita sa fishport ng Borongan.  
Bukod sa mga big fish, mayaman din sa ibang pagkaing dagat ang Eastern Samar.  Papasyalan ng grupoang hatchery sa bayan ng Guiuan kung saan pinaparami ang blue crabs, sea cucumbers at mga abalone.
 
Hindi  rin pinalagpas ni Jay na pasukin ang isa sa pinakamagandang kuweba sa probinsiya, ang Talubagnan Cave. Bukod sa mga kumikinang na stalactites at stalagmites na milyong taong nililok ng kalikasan, makikita rin sa pusod ng kuweba ang isang pool kung saan naiipon ang malamig na tubig.
 
Pero ang kalikasan na pinagkukunan natin ng yaman minsan ang siya ring sumusubok sa ating katatagan.  Sa bayan ng General Mcarthur kakamustahin natin ang mga kababayan nating Waray na sinalanta ng lindol na may lakas na 7.6 magnitude.  Malakas man ang pagyanig na dulot ng lindol, hindi naman nito naibaon ang pag-asa at determinayon na umahon ng mga Samarnon mula sa trahedya.
 
Pero maging si Jay sinubok ng kalikasan sa huling yugto ng ating paglalakbay ng abutan ng bagyong Lawin habang nasa daan.  Kanyang sinuong ang ulan at hampas ng hangin para makarating sa mas ligtas na lugar bago abutin ng dilim sa biyahe.
 
Umulan man o umaraw, abutin man ng sungit ng panahon, huwag bibitiw sa pagtatapos ng ating Samar Expedition. Angkas na ngayong Biyernes sa huling yugto ng pagbagtas ni Jay sa isla ng mga Waray, 8PM sa Motorcycle Diaries sa GMA NewsTV channel 11!
Tags: plug, samar