We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Sa unang yugto ng ating Negros Expedition, makikisaya tayo sa mga kababayan nating Ilonggo sa kanilang mga kapistahan, Masskara Festival sa Negros Occidental at Buglasan Festival naman sa Negros Oriental Sa Masskara Festival sa Bacolod City, makikilala ni Jay ang kambal na pinaghiwalay pero tila itinakda ng tadhana na magkita at magkasama sa kapistahan. Ating pakinggan ang kuwento sa likod ng pagkakalayo nina Liezel at Lady Mae. Kasabay ng masayang sayawan at nakaiindak na tugtugin, aalamin ni Jay kung paano nagsimula ang Masskara Festival at bakit ito ipinagdiriwang. Tunghayan din natin kung paano ginagawa ang mga makukulay na maskara na tatak ng pistang ito at kilalanin ang mga alagad ng sining na may likha ng mga maskara. Mula Bacolod, makikisaya naman tayo sa Buglasan Festival sa Dumaguete City. Tinaguriang “Festival of Festivals” ang Buglasan dahil ang fiesta ng bawat bayan ng Negros Oriental ay sabay na ipinagdiriwang sa isang enggrandeng selebrasyon. Kilala ang Buglasan dahil sa kompetisyon ng sayaw na sinasalihan ng ibat-ibang grupo ng mga streetdancers mula sa iba’t-ibang bayan. Sa katunayan, mula sa pistang ito nanggaling ang Yagyag Dance Group na minsan ng ipinanlaban ng Pilipinas sa international dance competition sa Japan. Saksihan ang kanilang pagindayog sa kapistahan ng Buglasan. Hindi rin natin palalagpasin ang masasarap na pagkain, una na diyan ang ipinagmamalaki ng Bacolod, ang kanilang original chicken inasal. Dadayuhin ni Jay ang Manokan Country, isang pamosong kalye kung saan nakahilera ang ibat ibang kainan ng chicken inasal. Angkas na mga kabiyahe sa aming month-long series ng Negros Expedition. Simula ngayong Biyernes, alas-otso ng gabi (8PM) sa GMA News TV channel 11.