ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Iba't ibang mukha ng Boracay, tutuklasin ni Jay Taruc


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

MOTORCYCLE DIARIES
PANAY EXPEDITION 4  - AKLAN AT ANTIQUE
APRIL 11, 2013
 
Mula Capiz tatawid na tayo sa probinsiya ng Aklan at Antique sa ika-apat na yugto ng ating Panay Expedition sa Motorcycle Diaries para tuklasin ang pinakamagagandang destinasyon sa Pilipinas ngayong tag-init.
 
Samahan si Jay ikutin ang mala-paraisong isla ng Boracay sa Aklan na kinilala na isa sa pinakamagandang summer destination sa buong mundo dahil sa malapulbos nitong puting buhangin at mala kristal na tubig.
 
Susubukan natin ang mga exciting na water sport sa isla tulad ng kite surfing, isang uri ng surfing na ginagamitan ng animo’y higanteng saranggola para bumalanse sa tubig. Maaari ring tuklasin ng mga hindi marunong lumangoy at sumisid ang kailalaiman ng dagat sa pamamagitan ng helmet diving. At kung nais mo namang magpalutang sa himpapawid para matanaw ang buong isla ng Boracay, subukan na ang parasailing!

Bukod sa world class na beach at mga watersport, ipinagmamalaki rin ng isla ng Boracay ang mga flying fox o fruit bat, ang pinakamalaking uri ng paniki sa buong mundo.
 
Pero hindi maitatago ng magagandang tanawin sa boracay ang ilang problema, tulad ng suliranin sa basura. Ang isa sa tatlong dumpsite ng isla katabi ng isang theme park kaya hindi maiwasang umabot sa pasyalan ang umaalingasaw na amoy mula sa dumpsite.
 
Mahigit isang dekada na ring ipinaglalaban ng mga katutubong Ati na tubong Boracay ang kanilang karapatan sa mga lupain sa isla. Bago pa man daw sumigla ang turismo matagal na silang naninirahan dito. Pero nang dumagsa ang mga turista, naitaboy daw sila sa lupang sinilangan.
 
Mula Boracay sa Aklan, magtutungo naman tayo sa isla ng Caluya sa Antiquem na itinuturing na “Paradise beyond Boracay!” Puti at pino rin ang buhangin sa isla ng Caluya at malinaw ang tubig.
 
Ipinagmamalaki ng isla ng Caluya ang kanilang exotic wildlife.  Matatagpuan dito ang mga paniking albino, mga dayong kalapati at higit sa lahat ang mga tatus o coconut crabs. Sa katunayan taun-taon nilang ipinagdiriwang ang Tatusan Festival.
 
Sa maliit na isla naman ng Sibato, pagtatanim ng tambulan o seaweed ang pangunahing hanapbuhay ng mga residente. Nasa dagat ang mga seaweeed farm at kailangang sumisid para magtanim o umani ng tambulan. Ating papakinggan ang kuwento ng mga kahanga hangang residente na nagtatrabaho sa taniman ng tambulan. Ang dose anyos na si Arlene, bagamat putol ang mga braso at kamay, ay nagagawa pa ring tumulong sa pagtanim ng tambulan o seaweed. Habang ang Grade four na si Ren-Ren hindi itinuturing na hadlang para makapagtapos ng pag-aaral ang hirap sa araw-araw na pagtulong sa taniman ng tambulan.
 
Huwag bibitiw sa ika-apat na yugto ng ating Panay Island Expedition ngayong Huwebes 10pm sa Motorcycle Diaries, sa GMA News TV channel 11!       
 
Tags: plug