ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Mga gemstones ng Antique, tampok sa Panay Expedition ni Jay Taruc


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
PANAY EXPEDITION PART 6
April  25, 2013
Sa huling yugto ng ating Panay Expedition, ipagpapatuloy ang kuwento ng pamilya ni Mang Ronel na walang takot na kumakain ng kayos, isang nakalalasong rootcop. Nalagay kaya siya at kanyang limang anak sa peligro matapos namin silang masaksihang kumain?
 
Pag-asang umunlad ang pamumuhay naman ang dala ng ilang maliliit na bato s  ilang kababayan natin. Sa bayan ng Sibalom sa Antique, sinusuyod ng ilang residente ang ilog para makahanap lamang ng mga batong hiyas o gemstone! Ginagawa nila itong alahas, palamuti o souvenir item depende sa klase at kalidad ng batong hiyas.
Samahan din si Jay na muling bisitahin ang mala-paraisong mga isla sa Panay at tikman muli ang ipinagmamalaking pagkain ng Panay. Mula sa mga orihinal nitong putahe tulad ng La Paz Batchoy at Molo soup, at masasarap na seafood ng Roxas City hanggang sa mga exotic food sa isla gaya ng sasing o sandworms at mga inihaw na paniki.
 
Muli rin nating tunghayan ang pamumuhay ng ating mga kababayan at kanilang pagsisikap may maihain lamang na pagkain sa hapag para sa kanilang pamilya. Kakambal man ng kanilang trabaho ay peligro, ang ilang residente sisisirin ang kailaliman ng dagat para manguha ng lamang dagat o kaya naman ay aakyatin ang batuhan sa bundok para magtibag ng marmol.
Pakinggan din ang kuwento ng patuloy na pakikibaka ng ilan nating kababayan sa kalunos-lunos nilang kalagayan. Ilang linggo na ang nakalilipas, pinaslang ang tagapagsalita ng katutubong Ati. Paniwala nila konektado ito sa Ilang dekada nilang pakikipaglaban para sa kanilang karapatan sa pagmamay-ari ng lupa sa isla ng Boracay.
 
Isang karamdaman naman na wala pang lunas ang kalbaryo ng ilang kalalakihan sa isla ng Panay. Hirap magsalita, maglakad at makakilos ang magkakapatid na Luisito, Wilberto at Pedro dahil sa sakit na Dystonia habang nakaratay naman na sa higaan si Mang Geronimo. Dahil sa kahirapan ang ibang taga Panay umaasa naman sa mga surano o albularyo at iba pang tradisyunal na gamutan.     
 
Tutok na ngayong Huwebes sa huling yugto ng  Panay Expedition sa Motorcycle Diaries, alas diyes ng gabi sa GMA News TV channel 11!
Tags: plug, antique