ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
Biyaheng pag-ibig sa 'Motorcycle Diaries'
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
#BiyahengPagibig
MOTORCYCLE DIARIES VALENTINES SPECIAL
February 13, 2014
Ngayong huwebes, isasama tayo ni Jay sa isang kakaibang paglalakbay sa mundo ng pag-ibig sa paggunita sa araw ng mga puso. Tunghayan ang apat na natatanging kuwento ng pag-ibig sa Motorcycle Diaries Valentines Special!

“Love is patient. Love is kind.”
Tunay ngang walang tamang edad at tinitingnang pisikal na pamantayan ang tunay na pag-ibig. Sa Bahay Pag-ibig na isang ‘home for the aged’ unang nagbangga ang kapalaran nina Lolo Jessie at Lola Tessie. Dahil kapwa parehong bulag ang kanilang mga mata, nabunggo ni Lolo Jessie si Lola Tessie. Ito na ang naging simula ng matamis nilang pagtitinginan. Mula noon ay sinusundo ni Lolo Jessie si Lola Tessie sa kanyang kuwarto tuwing umaga. At para masiguradong hindi sila magkakalayo sa bawat isa, tinalian nila ng maliit na bell ang kanilang mga tungkod. Ang tunog mula sa bell… tila musika na nag-uugnay sa kanila.

“Love does not envy, it does not boast, it is not proud”
Tila bumaligtad naman ang mundo sa pagsasama nina Muji na isang half-Iranian half-Pinoy at ni Shiela. Sa ilang taon kasi nilang pagsasama, si Muji ang abala sa mga gawaing bahay at pag-aalaga ng 2 nilang anak habang si Shiela ang inaasahan sa mga gastusin sa bahay.
Matapos ang walong taong paninirahan sa Iran, umuwi raw sa Pilipinas si Muji noong 2001 para magkolehiyo at sa unibersidad sila nagkakilala ni Shiela. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay umusbong ang kanilang pagmamahalan hanggang sa sila ay magsama. Nakapagtapos BS Information Technology si Muji habang natigil sa pag-aaral si Shiela.
Sa kabila nito, mas madaling nakahanap ng trabaho si Shiela. Para hindi mapabayaan ang mga bata, si Muji ang nag-alaga sa mga anak. Pero sa kabila ng pagiging house husband ni Muji, hindi naman ito minamaliit ng kanyang asawa. Sa katunayan ay labis ang paghanga ni Shiela sa pag-aalaga ni Muji sa kanya at kanilang mga anak.

“Love is not easily angered, it keeps no record of wrongs”
Ikalawang pagkakataon naman ang kwento ng pag-ibig nina Tatay Hermie at Nanay Juana. Matagal ng magkasintahan ang dalawa ng magkamali si Tatay Hermie na nagtulak sa kanya para pakasalan ang ibang babae. Nakipaghiwalay si Nanay Juana dahil sa pagtataksil na ito. Pero sa kabila nito, hindi na raw pa tumingin sa ibang lalaki si Nanay Juana. Hindi rin naman nakalimot si Tatay Hermie.
Tuwing kaarawan ni Nanay Juana ay nagpapadala ng bulaklak at munting regalo si Tatay. Paraan niya rin daw ito ng habangbuhay na paghingi ng tawad. Pero makalipas ang apat na dekada, pumanaw ang asawa ni Tatay Hermie. Matapos magluksa, muling nakipagkaibigan si Tatay kay Nanay Juana. Sa paglipas ng panahon, muli niyang sinuyo ang dating kasintahan. Hindi nagtagal ay pinatawad ni Nanay Juana ang dating kasintahan at binigyang pagkakataon ang pag-ibig na ilang dekada niyang inalagaan.

“Love always protects, always trusts, always hopes, always perseveres”
Hindi naman matatawaran ang pagmamahal at sakripisyo ni Michael sa kanyang kabiyak na si Nene. Kung dati ay siya ang inaasikaso ni Nene pagkagaling sa trabaho, ngayon siya na raw ang nag-aalaga dito mula ng magkaroon ng karamdaman sa isipan ang asawa. Kaya ngayon hindi lamang haligi ng tahanan si Michael, siya na rin ang tumatayong ilaw nito. Siya na rin ang nag-aalaga sa kanilang 3 anak mula raw ng magkasakit si Nene. Maging ang kanyang biyenan na may Parkinsons Disease, siya rin ang nag-aaruga. Ipinagdarasal niya gabi-gabi na bumuti ang kalusugan ng kanyang mga mahal sa buhay. At ang tangi niyang hiling… ang maipasyal niya ang kanyang pamilya.
Makiangakas ngayong huwebes sa kuwento ng kanilang Pag-ibig, 10pm sa GMA News TV!
Makiangakas ngayong huwebes sa kuwento ng kanilang Pag-ibig, 10pm sa GMA News TV!
More Videos
Most Popular