ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
Mga 'di malilimutang karanasan sa Cebu, babalikan sa 'Motorcycle Diaires'
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
#CebuExpedition
MOTORCYCLE DIARIES
November 06, 2014
Ngayong Huwebes, muling sasariwain ng Motorcycle Diaries ang mga di malililimutang karanasan sa ating biyahe sa kabisayaan. Muli lilibutin ang tinaguriang “Queen City of the South” — ang lalawigan ng Cebu!
Isang taon na ang nagdaan mula nang yanigin ng magnitude 7.2 na lindol ang gitnang kabisayaan na umabot sa dalawangdaang nasawi, habang libo-libo naman ang nawalan ng kabuhayan at tirahan tulad nina Jocelyn at Lola Rosario. Sa Lapu-lapu City, tila nilamon ng lupa ang isang hanay ng kabahayan dahil sa sinkhole o paglubog ng lupa. Muli nating kumustahin kung nakabangon na ba sila mula sa trahedya.


Hindi man niyanig ng trahedya, ilang kababayan naman natin ang pilit lumalaban sa hamon ng kahirapan tulad ng mga batang manggagawa. Pangunguha ng kurus-kurus o starfish ang pakay ng magkakapatid na Melvin, Merwin at Mark sa tuwing lumulusong sa dagat. Mga panang gawa sa alambre naman ang tangan nila Fredel at Fred sa tuwing sumisisid sa dagat para manghuli ng isda.


Isang world class na atraksyon naman sa Cebu ang Plantation Bay Resort na dinarayo ng mga turistang gusto naman magpahinga at magrelax. Kumpleto sa sports amenities gaya ng wavepool, jetski, at banana boat ride ang resort na ito na matatagpuan sa Mactan Island. Pero para sa hindi naman “trip” ang pagtatampisaw sa dagat pero nais pa rin masilayan ang ganda ng kailalaiman nito puwede ring subukan ang bagong atraksyon sa Lapu-lapu city — ang pagsakay sa yellow submarine! Ito ang nag-iisang tourist submarine sa Pilipinas.


Pero kung ang hilig mo naman ay musika maaari ring bisitahin ang pagawaan ng Alegre Guitars. Katunayan isa sa ipinagmamalaking produkto ng Cebu ang kanilang world class na mga gitara!


Hindi makukumpleto ang ating biyahe kung walang food trip! Kaya naman muli nating titikman ang linamnam ng putaheng tatak Cebu. Sa lutong ng balat palang mapaparami na ang kain mo ng Zubuchon na isa sa pinakakilalang pangalan pagdating sa lechon Cebu. Kung exotic food naman ang iyong hanap, maaaring sadyain ang bayan ng Cordova kung saan larang na bakasi o Moray Eel ang kanilang specialty.


Angkas na mga kabiyahe at muli nating balikan ang hindi malilimutang paglalakbay natin sa kabisayaan ngayong Huwebes, 10 PM sa Motorcycle Diaries Cebu Expedition!
More Videos
Most Popular