ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
Mga anak ni Jay Taruc, aangkas sa kaniyang biyahe sa 'Motorcycle Diaries'
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
# MDLiveTheRide
June 25, 2015

Lalong pa-iigtingin linggu-linggo ng Motorycle Diaries ang paghahatid ng maaaksyong kuwento sa paglalakbay ng George Foster Peabody Awardee na si Jay Taruc sakay ng kanyang motorsiklo at ngayong Huwebes, isang bagong OBB ang aabangan sa "Motorcycle Diaries: Live the Ride!”.

Para lalong bigyang ng kahulugan ang “Live the Ride”, sa kauna-unahang pagkakataon ang kaangkas ni Jay sa motorsiklo ay pinakamalalapit sa kanyang puso--- ang kanyang mga anak. Makakasama ni Jay sa isang espesyal na roadtrip ang kanyang mga anak na sina Luis at Sophie para ipagdiwang ang Father’s Day ngayong taon.

Kilalanin naman natin ang mag-asawang higit na tumatamis at tumitibay ang pag-iibigan dahil sa iisang hilig - ang pagmo-motorsiklo.Sa katunayan nakilala ang kanilang tambalan bilang “Together We Ride.” Noong nakaraang taon, sumabak ang mag-asawa sa isang natatanging adventure ride mula Luzon hanggang Mindanao na tumagal ng halos isang buwan! Sumama si Jay sa kakaibang trip ng mag asawa na may kaangkas pang komedyante na si Pepita.
Sa loob ng mahigit tatlong taon ng Motorcycle Diaries, ilang motorcycle groups at riders na ang nakasama ni Jay sa biyahe. Sa kauna-unahang pagkakataon, sila naman ang bibida ngayon dahil itatampok sa programa ang pambihirang kuwento ng mga rider kasama ng kanilang motorsiklo!
Angkas na sa pag-arangkada ni Jay ngayong Huwebes 10PM sa 2015 New York Festival Bronze Medalist “Motorcycle Diaires: Live the Ride" sa GMA News TV!
More Videos
Most Popular