ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Biyaheng sikat aarangkada sa 'Motorcycle Diaries'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Isang star-studded na Motorcycle Diaries ang tampok ngayong Huwebes dahil ang makakasama ni Jay sa kanyang paglalakbay ay mga Kapuso Celebrities ---- mula kay Alden Richards, Drew Arellano,  mga komedyanteng sina Sheena Halili at Maey Bautista at mga sexy foreignays na sina Dasuri Choi at Natalia Moon.   



Madami ang kinikilig sa Kapuso heart throb na si Alden Richards pero siguradong higit na mapapahanga ang kanyang fans kapag nalaman na ang kanilang idolo, marunong din palang magmotorsiklo!  Si Alden mismo, sakay ng kanyang motor ang magdadala sa atin sa kanyang bayan sa Laguna.

 
Ilan taon na rin palang nahuhumaling sa motorsiklo ang Biyahe ni Drew host na si Drew Arellano. Bago siya mahilig sa triathlon, isang true-blue rider si Drew. Sa isang pambihirang pagkakataon makakasama ni Jay si Drew Arellano sa isang roadtrip sa Marilaque highway na madalas dayuhin ng mga riders. Pero matapos ang pag arangkada nila sakay ng motor, kayanin naman kaya ni Jay ang hamon ni Drew na maging triathlete?

 
Hindi naman magpapahuli ang mga Foreignay babes  na sina Natalia Moon at Darui Choi! Nakipiyesta sina Jay at Natalia sa taunang Crab Festival sa Calauag Quezon habang si Dasurii nakisaya sa Carabao Festival sa Bulacan.

 
Samantala ang mga komedyanteng sina Sheena Halili at Maey Bautista makikigulo rin. Sa Pampanga tinanggap ng Kapuso Star na si Sheena Halili ang hamon ni Jay na subukan ang ilang buwis-buhay na adventures at si Maey Bautista hindi inurungan ang pagsakay sa alon at paglipad sa himpapawid!


 
Huwag magpalaos dahil aarangkada ang Biyaheng Sikat ngayong Huwebes 10PM sa 2015  New York Festivals Bronze World Medalist ---  MOTORCYCLE DIARIES sa GMA NEWSTV channel 11!

Tags: pr, prstory, plug