Kapuso actress Andrea Torres, aarangkada sa 'Motorcycle Diaries'
Mag-iinit ang inyong Thursday night dahil aangkas kay Jay Taruc ang isa sa pinakaseksing Kapuso leading lady, Philippine’s second sexiest woman ayon sa isang sikat na men’s magazine, si Andrea Torres!



Maraming umiidolo sa kanya dahil sa fit at sexy niyang pangangatawan. Pero kayanin kaya niya ang hamon ni Jay? Sa isang kakaibang roadtrip, ilang challenge ang ibinigay ni Jay kay Andrea na siguradong susubok hindi lang sa tatag ng kanyang katawan, kundi pati na rin sa tibay ng kanyang loob. 

Ang pagmomotor hindi lang pala pang-tao dahil isang bibong aso ang bumibida sa lansangan sakay ng motorsiklo, si Bogie the Rider. Anim na taon nang naglalakbay si Gilbert kasama si Bogie at nalibot na nga raw nila ang Luzon, Visayas at Mindanao. Para siguraduhing ligtas ang alaga kumpleto ang safety gears ni Bogie mula helmet, shades hanggang jacket.

Angkas na at samahan si Jay ngayong Huwebes 10PM, sa GMA News TV channel 11 sa New York Festivals World Bronze Medalist, ang Motorcycle Diaries: Live the Ride!