ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Motorcycle riders na naka-amerikana at barong tagalog, haharurot sa 'Motorcycle Diaries'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Ngayong Huwebes sa Motorcycle Diaries, tunghayan ang pagharurot ng mga Filipino rider na imbes na boots at leather jacket ang suot, todo porma sa kanilang barong tagalog at amerikana bilang pakikiisa sa international motorcycle event -  ang Distinguished Gentlemans Ride! Makakasama rin sa natatanging pagdiriwang na ito ang Kapuso Hunk at certified rider na si Jc Tiuseco para patunayang ang mga Pinoy rider hindi lang swabe pumorma, maginoo rin sila pagdating sa kalsada!



Mga kakaiba at paandar na motorsiklo naman ang susubukan ni Jay Taruc. Nakakita ka na ba ng motorsiklong natutupi? Sa unang tingin siguradong aakalaing ang cute na motorsiklong ito, laruang pambata!  Ito ang tinatawag na motocompo, o folding scooter! Pero hindi ito dapat ismolin, dahil pagdating sa kalsada hindi ito pahuhuli sa pag-arangkada. Binansagan ding ‘trunk bike’ ang motocompo dahil matapos itupi ang mga bahagi nito, kasya na ito sa trunk ng kotse.




Bumibida rin sa kalsada ngayon ang mga motoped o motorsiklong de pedal! Animoy pinaghalong bisikleta at motorsiklo ang kakaibang sasakyang ito. Tulad ng karaniwang motorsiklo, pinaaandar din ng gasolina ang makina ng motoped. Pero hindi raw problema kung maubusan man ng gasolina dahil pwede pa rin itong mapatakbo gamit ang pedal ng motor. 


 
Tutok na ngayong Huwebes 10PM, sa GMA News TV channel 11 sa New York Festivals World Bronze Medalist, ang Motorcycle Diaries: Live the Ride! 
 

Tags: pr