ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Huling yugto ng #MDQuezonExpedition, tampok sa 'Motorcycle Diaries'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Sa huling arangkada ng ating Quezon Expedition, darayuhin natin ang isang islang may natatagong ganda, sasali rin tayo sa karera ng mga bangkang sibid at makikisalamuha sa taong putik!

 


 


Ngayong tag-init, unti-unti nang dinarayo ng mga turista ang isang tagong isla sa Quezon dahil sa maputi nitong buhangin at mala-kristal sa linaw na tubig. Matatagpuan ito sa San Andres na pinakadulong bayan ng Quezon. Pero bukod sa kahanga-hangang ganda ng isla, mapapahanga ka rin sa isang pamilyang naninirahan dito na pinagbubuklod ng peligro at pagsisikap. Araw-araw pumapalaot sina Renante at Mila kasama ang kanilang apat na anak para sumisid at manghuli ng isda. Wala silang anumang gamit o aparato na makatutulong sa paghinga. May peligro mang kaakibat ang kanilang pagsisid lalo sa mga bata, ang mahalaga ay sama-sama raw sila para manghuli ng isda at sea shells.

 


 


Sa bayan naman ng Padre Burgos taon-taong ginaganap ang karera ng Sibid o mga bangkang de sagwan. Isa ito sa pinakahihintay na bahagi ng Laguimanoc Festival ng kanilang bayan. Bawat kalahok sa paligsahang ito ay binubuo ng magkapares na mangingisda na magkatulong sa pagsasagwan para mauna sa finish line.

Kakaibang pista naman ang ipinagdiriwang sa bayan ng Catanauan tuwing nalalapit na ang Semana Santa. Sa loob ng tatlong araw tuwing bago sumapit ang Ash Wednesday, na siyang hudyat ng pagsisismula ng Kwaresma, idinaraos ng mga taga-Catanauan ang Boling-Boling Festival. Habang naaaliw ang mga turista sa pagsasayaw ng mga street dancer, agaw pansin sa parada ang mga “taong putik!” Bahagi ng kanilang tradisyon ang pagpapahid ng putik sa buong katawan. Naniniwala kasi sila na matapos mahugasan ang putik na ipinahid sa katawan ay mababawasan ang iyong kasalanan.

 


 


Angkas na sa huling yugto ng Quezon Expedition ngayong Huwebes 10pm sa GMA News TV channel 11 sa New York Festivals World Bronze Medalist, ang Motorcycle Diaries!

 

Tags: pr