Epekto ng pagmimina sa Marinduque, tatalakayin sa 'Motorcycle Diaries'
Ang tubig ay buhay, pero ang asul na tubig sa probinsiya ng Marinduque… ito ay pinag-uugatan ng pangamba.
Dinarayo ang Marinduque dahil sa naggagandahang pasyalan at mayamang kalikasan. Isang talon sa bayan ng Boac ang unti unti nang nakikilala at binibisita dahil sa mala-paraiso nitong ganda. Pero sa likod ng nang-aanyaya nitong asul na tubig, may ilang nangangamba. Kaya raw asul ang tubig nito dahil sa pagdaloy ng basurang mina.
Taong 1996 nang tumagas sa ilog ng Boac at sa mga sumasangang sapa dito ang mahigit tatlong milyong metriko toneladang basurang mina mula sa Marcopper Mining. Idineklarang patay ang ilog dahil sa pagkamatay ng mga isda at iba pang buhay ilang. Apektado maging ang pamumuhay at kalusugan ng mga residente ng mga komunidad sa paligid ng ilog. Isa sa pinakamatinding tinamaan ng basurang mina ang barangay Hinapulan.
Makalipas ang dalawang dekada, tila hindi pa rin nilulubayan ng bangungot ng nakaraang trahedya ang mga residente ng barangay. Tila ipininta ang ilog hinapulan dahil sa asul nitong tubig. Araw-araw tumatawid sa ilog na ito ang mga mag-aaral mula sa barangay para makapasok sa eskwela. Karamihan sa kanila, nangangati at nagsusugat ang balat. Ang asul na tubig bunsod kaya ng katas ng basurang mina?
Angkas na ngayong Huwebes 10pm sa GMA News TV channel 11, sa New York Festivals World Bronze Medalist, ang Motorcycle Diaries! Ang tubig ay buhay, pero ang asul na tubig sa probinsiya ng Marinduque… ito ay pinag-uugatan ng pangamba.
Dinarayo ang Marinduque dahil sa naggagandahang pasyalan at mayamang kalikasan. Isang talon sa bayan ng Boac ang unti unti nang nakikilala at binibisita dahil sa mala-paraiso nitong ganda. Pero sa likod ng nang-aanyaya nitong asul na tubig, may ilang nangangamba. Kaya raw asul ang tubig nito dahil sa pagdaloy ng basurang mina.
Taong 1996 nang tumagas sa ilog ng Boac at sa mga sumasangang sapa dito ang mahigit tatlong milyong metriko toneladang basurang mina mula sa Marcopper Mining. Idineklarang patay ang ilog dahil sa pagkamatay ng mga isda at iba pang buhay ilang. Apektado maging ang pamumuhay at kalusugan ng mga residente ng mga komunidad sa paligid ng ilog. Isa sa pinakamatinding tinamaan ng basurang mina ang barangay Hinapulan.
Makalipas ang dalawang dekada, tila hindi pa rin nilulubayan ng bangungot ng nakaraang trahedya ang mga residente ng barangay. Tila ipininta ang ilog hinapulan dahil sa asul nitong tubig. Araw-araw tumatawid sa ilog na ito ang mga mag-aaral mula sa barangay para makapasok sa eskwela. Karamihan sa kanila, nangangati at nagsusugat ang balat. Ang asul na tubig bunsod kaya ng katas ng basurang mina?
Angkas na ngayong Huwebes 10pm sa GMA News TV channel 11, sa New York Festivals World Bronze Medalist, ang Motorcycle Diaries!